PURA, Tarlac - Walong katao ang grabeng nasugatan sa pag-araro ng motorsiklo sa nagsisibabang pasahero ng isang nasiraang tricycle sa Pura-Guimba Road sa Barangay Singat, Pura, Tarlac.

Kinilala ni PO2 Gerardo Lagayan ang ilan sa mga nasugatan na sina Laika Quezon, 20, dalaga, ng Bgy. Bagong Bario, Guimba; Davidson Gonzales, driver ng Honda motorcycle; Bryan James Rivera, 18, driver ng tricycle (VX-9120), ng nasabing barangay.

Patuloy pang inaalam ng Pura Police ang pagkakakilanlan ng iba pang nasugatan.

Bumabagtas ang motorsiklo sa Pura- Guimba Road nang biglang tumawid sa kalsada at nabundol si Quezon.

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog

Sa kalituhan ni Gonzales, inararo ng kanyang motorsiklo ang limang pasahero ng tricycle ni Rivera na noon ay nagsisibaba makaraang ma-flat ang gulong ng sasakyan. (Leandro Alborote)