Marso 6, 1869 nang iprisinta ni Dmitri Mendeleev ang periodic table sa harap ng Russian Chemical Society, sa pamamagitan ng pormal na dokumento na may titulong “The Dependence between the Properties of the Atomic Weights of the Elements.”
Inakala ni Mendeleev na ang element (70 pa lamang noon) ay maaaring mailatag sa isang table, at ihilera batay sa kanilang atomic weights. Ang table ay binubuo ng rows at columns na may partikular na characteristic ang bawat isa.
Matapos labanan ang tuberculosis, si Mendeleev ay nagsilbing chemistry professor. Sinubukan niyang pagsunud-sunurin ang mga elemento base sa chemical properties ng mga ito.
Ilang buwan ang nakalipas matapos iprisinta ni Mendeleev ang kanyang nabuong table, inilabas ng German chemist na si Julius Lothar Meyer ang halos kaparehong table.