Swak sa kulungan ang isang ginang na umano’y sangkot sa gun running syndicate, makaraang salakayin ang kanyang bahay sa Caloocan City, nitong Huwebes ng umaga.

Sa bisa ng search warrant na ipinalabas ni Judge Glenda Cabello-Marin, ng Caloocan Regional Trial Court Branch 124, nadakip si Concepcion Mardejeros, 29, ng Phase 2, Package 1, Block 6, Lot 12, Mapayapa Street, Barangay 178, Bagong Silang, ng nasabing lungsod.

Ayon sa pulisya, narekober mula sa suspek ang dalawang .38 caliber revolver na may apat na bala, isang .9mm pistol at magazine na may anim na bala, at apat na plastic sachet na may lamang shabu.

Dakong 9:00 ng umaga nang nilusob ng mga tauhan ng Special Reaction Unit-Special Weapons and Tactics (SRU-SWAT) ang bahay ng suspek na nagresulta sa pagkakaaresto nito.

Marcoleta, pinigilang magtanong tungkol sa proposed ₱6.352-trillion 2025 nat'l budget

Kasong illegal possession of firearms, at paglabag sa RA 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act) at Omnibus Election Code ang kinakaharap ni Mardejeros. (Orly L. Barcala)