TANZA, Cavite – Sumabog nitong Biyernes ng gabi ang isang homemade bomb sa bakuran ng isang negosyante sa Bagong Pook, Barangay Amaya III sa bayang ito, iniulat ng pulisya kahapon.

Sinabi ni Supt. Albert Dacanay Tapulao, hepe ng Tanza Police, na walang napaulat na namatay sa pagsabog sa bakuran ni Aaron Mesa Anas, 36, dakong 11:00 ng gabi nitong Biyernes.

Gayunman, lumikha ng malaking hukay at bahagyang nakapinsala sa isang kalapit na bakal na bakod ang pagsabog, ayon kay Tapulao.

Nangyari ang pagsabog makaraang mamataan ang isang lalaking nakasakay sa motorsiklo na paikot-ikot sa lugar.

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito

Pansamantalang hindi isinapubliko ng pulisya ang hinihinalang motibo sa insidente. (Anthony Giron)