SUVA, Fiji (AFP) – Umabot na sa 20 ang namatay sa pananalasa ng super-cyclone sa Fiji nitong weekend, at nagbabala ang mga opisyal na tataas pa ang bilang na ito.

Tumama ang severe tropical cyclone Winston, ang unang category five na bagyo sa Fiji, nitong Sabado ng gabi, dala ang lakas ng hangin na 325 kilometres per hour, at nag-iwan ng matinding pinsala.

“The images emerging from early aerial assessments of affected areas are truly heartbreaking, leaving little doubt about the ferocity of this cyclone,” pahayag ni UN Fiji coordinator Osnat Lubrani. “It is clear from these catastrophic impacts that Fiji is facing a long road to recovery.”

Internasyonal

Pinay tourist sa Taiwan, nabangga ng tren habang nagpipicture