CAPAS, Tarlac — Niratrat ang isang pinaghihinalaang drug pusher sa harapa ng isang tindahan sa Barangay Cristo Rey, Capas, Tarlac.

Kinilala ni PO3 Saturnino Abes, investigator-on-case, ang biktimang si Arjay Uylengco, 30, may asawa, ng Villa De Sto. Rosario Subdivision, Bgy. Sto. Rosario, Capas, Tarlac, na agad namatay sa dami tama ng bala sa katawan.

Narekober sa bag nito ang isang transparent plastic sachet ng hindi pa matiyak na gramo ng shabu.

Sa ulat ng pulisya, nangyari ang krimen dakong 2:30. Paalis na ang biktima sa tindahan matapos bumili ng soft drinks at sigarilyo nang pagbabarilin siya ng dalawang armado na nakasakay sa motorsiklo. (Leandro Alborote)

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog