Pinaaaksiyunan sa Korte Suprema ng isang grupo ng mga magulang, guro at estudyante ng Manila Science High School ang kanilang kahilingan na magpalabas ng temporary restraining order (TRO) laban sa kontrobersiyal na K to 12 Program ng Department of Education (DepEd).

Ito ay sa pamamagitan ng ikaapat na most extremely urgent motion na inihain sa kataas-taasang hukuman.

Kasabay nito, hiniling din ng grupo na magsagawa ng oral argument sa kaso at isama ang kanilang mosyon sa agenda ng Supreme Court en banc.

Una nang humiling ng TRO ang mga petitioner nang ihain nila ang kaso noong Hunyo 23, 2015 na pipigil sana sa DepEd sa pagpapatupad ng karagdagang dalawang taon sa basic education program.

Internasyonal

Mga Pinoy na ilegal na naninirahan sa Amerika, binalaan ng PH Ambassador

Iginigiit ng mga petitioner, sa pangunguna ni Atty. Ver Brillantes, na dahil sa K to 12, napalabnaw ang Special Science Curriculum ng Manila Science High School at ito umano ay paglabag sa legal at constitutional rights to quality education ng mga petitioner at mga estudyante. (Beth Camia)