Handa ang presidential candidate na si Davao City Mayor Rodrigo Duterte na isapubliko ang kanyang medical record base sa hamon ni Liberal Party standard bearer Mar Roxas, subalit sa isang kondisyon. 

“Dapat ipakita muna ni Roxas na tuli na siya,” pahayag ni Duterte na umani ng halakhakan ng media.

Kilala si Duterte sa kanyang magaspang na pahayag na karaniwang pinagsisimulan ng mga batikos laban sa alkalde.

Iginiit ni Peter Laviña, tagapagsalita ni Duterte, na biro lang ang binitiwang hamon ni Duterte kay Roxas, ang pambato ni Pangulong Aquino.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

“Dapat hindi bigyan ‘yun ng kahulugan. Ang tingin kasi ni Duterte kay Roxas ay wala itong kakayahan na pamunuan ang bansa—parang isang tao na hindi tama sa posisyon,” paliwanag ni Laviña.

Sa isang panayam, sinabi ni Duterte na halos maiyak si Roxas nang kumprontahin hinggil sa maraming nasawi at malawakang pananalasa ng super typhoon ‘Yolanda’ sa Visayas noong 2013.

Si Roxas ang noo’y kalihim ng Department of Interior and Local Government (DILG) nang manalasa ang naturang kalamidad. (BEN ROSARIO)