Pebrero 13, 1983 nang masunog ang Statuto Cinema sa Turin, Italy, na ikinamatay ng 74 na katao. Ang nasabing sinehan ay may 1,000 capacity, ngunit hindi ito puno nang mga oras na iyon.
Nagsimula ang apoy sa unang palapag, at mabilis itong kumalat. Ang mga upuan, na nakabalot ng plastic, ay naglalabas ng delikadong usok matapos masunog, at mabilis na nagtakbuhan palabas ang mga manonood, na nauwi sa stampede.
Nahirapan ang mga bombero na apulahin ang apoy dahil nakakandado ang likurang bahagi ng emergency exit kaya ginamitan nila ito ng palakol. Natagpuan nila ang 37 bangkay sa unang palapag pa lang, at sa ikalawang palapag ay maraming iba pa ang nasawi dahil sa suffocation. Gayunman, nagawang apulahin ng mga bombero ang apoy bago ito kumalat sa mas mataas na bahagi.