CAMARINES NORTE – Hindi na umabot nang buhay sa ospital ang tatlong bata na pinaniniwalaang nalason sa kinaing alamang sa Barangay Parang sa bayan ng Jose Panganiban sa Camarines Norte.

Kinilala ng Jose Panganiban Police ang mga nasawi na sina Jan Rome Gallon, 5; Princess Jessabel Gallon, 2; at Mark Jay Gallon.

Ayon sa paunang imbestigasyon ng pulisya, pasado 3:00 ng hapon nitong Martes nang magreklamo ang tatlong paslit ng pananakit ng tiyan at nagsusuka matapos silang kumain ng alamang.

Agad namang nagsagawa ng hiwalay na imbestigasyon sa insidente ang Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR)-Region 5, sa pangunguna ni Regional Director Dennis Del Soccoro.

Probinsya

Atimonan mayor, kinondena pamamaslang sa 10-anyos na batang babae

Nagkaloob naman ng tulong pinansiyal sa mga naulila ng tatlong bata si Governor Edgardo Tallado. (RUEL SALDICO)