PARIS (Reuters)— Kailangang maghintay ng mga nanggaling sa alinmang outbreak zone ng Zika virus ng 28 araw bago makapagbigay ng dugo upang maiwasan ang anumang panganib ng transmission, ipinahayag ni French Health Minister Marisol Touraine nitong Linggo.

Ang Zika, mabilis na kumalat sa mga bansa sa America at idineklarang global health emergency ng World Health Organisation (WHO), ay naisasalin sa pamamagitan ng kagat ng lamok. Gayunman, nitong nakaraang linggo ay inihayag ng Brazil ang dalawang kaso ng transmission sa pamamagitan ng blood transfusions mula sa mga nahawaang donor.

“Someone who comes from a zone where there is Zika can not give blood for 28 days,” wika ni Touraine sa panayam ng Europe 1 radio, news channel na iTele at ng pahayagang Le Monday.

Internasyonal

Tinatayang 150 milyong bata sa buong mundo, nananatiling 'undocumented'