Nakamit ni Jonel Gadapan ang bakanteng World Boxing Federation (WBF) Asia-Pacific lightweight title laban kay Nelson Tinampay, Linggo ng gabi sa Iligan City.

Sa impormasyong ibinahagi ng Sanman Promotions, idineklarang kampeon si Gadapan nang hindi na tumayo mula sa kanyang kinauupuan sa kanyang corner si Tinampay sa ikaanim na round.

Lubhang nasaktan si Tinampay sa sunud-sunod na kombinasyon na binitiwan ni Gadapan sa kanyang katawan. Sa ikalawang round, pumutok ang kanang kilay ni Tinampay mula sa isang solid na bigwas ni Gadapan.

Bunsod ng panalo, nahila ni Gadapan, pambato ng Iligan City, ang karta sa 11-8, tampok ang pitong knockouts (KO) at may dalawang talo, habang laglag si Tinampay mula sa Bohol sa 9-2, kabilang aang apat na KO’s.

Akari Sports wala pang balak pasukin ang PBA

Sinabi ni Sanman Promotions CEO Jim Claude Manangquil na magsasagawa nang isa pang WBF title fight sa Gen.Santos City sa Pebrero 13 sa pagitan nina John Vincent Moralde at Anthony Sabalde para sa bakanteng WBF International featherweight belt.