SAN ANTONIO, Quezon – Isang project engineer at isang obrero ang namatay matapos silang masagasaan ng transit cement mixer sa Barangay Callejon sa bayang ito.

Kinilala sa report ng pulisya ang mga biktimang sina Alejandre S. Nidoy, 58, may asawa, project-in-charge engineer, ng P. Gomez St., Cubao, Quezon City; at Jeffrey A. Murphy, 36, may asawa, construction worker, ng Barangay Del Valle, San Antonio, Quezon.

Ayon sa report, dakong 1:30 ng hapon nitong Miyerkules at minamaniobra ni Ruben R. Banayo, 35, may asawa, ng Bgy. Anastacia, Tiaong, ang Isuzu mixer truck (ZDS-557) na kargado ng semento nang mawalan siya ng kontrol sa sasakyan kaya dumausdos ito patungo kina Nidoy at Murphy. (Danny J. Estacio)

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog