Luis & Angel copy copy

PLANO sana naming i-blind item na lang muna ang hiwalayang Luis Manzano at Angel Locsin dahil ayaw naming maging kontrabida sa programang Pilipinas Got Talent 5 na unang programang pinagsasamahan ng dalawa bukod pa sa pelikulang Everything About Her na palabas na kahapon.

Baka kasi masabihan na naman kaming kontrabida. Pero may obligasyon kami sa mambabasa ng Balita kaya kailangan naming pangalanan na.

Yes, Bossing DMB, kumpirmadong naghiwalay uli sina Luis at Angel at nagsimula ito nang magkasama sila sa Pilipinas Got Talent. Mukha tuloy nagkatotoo ‘yung sabi-sabi na hindi sila okay magsama sa iisang show.

Human-Interest

Paano nga ba mag-goodbye ang ilang Gen Zs bago mag-New year?

Kaya sa premiere night ng Everything About Her nitong nakaraang Martes, pansin na pansin na hindi nagtabi o inalalayan man lang ni Luis si Angel dahil sina Sen. Ralph Recto, Ryan Christian at Gov. Vilma Santos ang kasama ni Angel samantalang si Luis ay three seats apart sa kanya at nagkawayan lang sila.

“Its not like Luis kasi kilala natin siya na laging nakaalalay kay Angel, but that night waley,” sabi ng mga kakilala naming dumalo sa premiere.

May nagkuwento rin sa amin, isa sa mga nakarinig, na hindi umamin si Luis oncam pero umamin daw sa offcam interview ni MJ Felipe.

Ayaw daw ni Luis na sa kanya manggaling ang isyu.

Last Tuesday late afternoon din, a few hours bago ginanap ang premiere, nang mag-post kami sa Facebook account namin ng ‘feeling shocked: di ko kinaya, saka ko na lang isusulat...’ ay nag-like pa si Luis at marahil,ay alam na niya ang ibig sabihin ng post namin

Kaya nakipag-chat kami sa kanya, kinumusta siya, na sinagot naman niya ng “okay naman ate Regs”. Pero nang tanungin namin tungkol sa isyu sa kanila ni Angel ay hindi na kami sinagot.

Nakalulungkot dahil bukod sa perfect combination at pareho nang stable sa buhay, financially, physically at emotionally. Kaya nga inaakala ng lahat na sa kasalan na mauuwi ang second chance nina Luis at Angel. Nagtanung-tanong kami sa mga nakakakilala kina Angel at Luis at maging sa production kung may narinig silang maaaring naging dahilan ng hiwalayan.

“LQ (lovers quarrel) lang ‘yan,” sabi ng isang taong malapit kay Angel.

Nagtanong kami sa mga taga-PGT5 pero wala kaming nakuhang sagot.

“Hindi kasi ako nakikialam sa buhay ng mga artista, ‘yung trabaho lang concern namin,” sabi ng isa. Me gano’n.

Pero naghanap pa rin kami ng ibang mapagtatanungan.

“Dumalaw ka sa taping kasi tumatambling ang mga staff sa kanilang dalawa,” hirit ng ilang non-production people na nakakakita sa kanila sa PGT5 tapings. “Kasi kung nakakadalaw ka, malalaman mong hiwalay na talaga sila. Actually, it’s a mutual decision na maghiwalay sila, they both need space.”

Nakakagulat kasi hindi na naman sila mga bagets para humingi ng espasyo at sa katunayan ay nasa marrying age na nga sila.

“Magaling silang magdala hindi nila ‘pinahahalata sa ibang tao na may problema sila, pero sa mga nakakatrabaho nila, tumatambling lahat. At si (aktor), cool na cool lang, di ba? Hindi halata,” patuloy na kuwento ng aming reliable source.

Pilit naming inaalam kung ano ang dahilan.

“Hindi ko rin alam, ang alam ko magkasama pa sila nitong Disyembre at sweet talaga, eh, biglang nag-iba ang ihip ng hangin,” katwiran pa ng reliable source namin.

May iba’t ibang interpretasyon naman ang mga katoto kung bakit naghiwalay sina Angel at Luis.

“Baka hindi pabor si Luis na gawin ni Angel ang Darna kasi nga may usapan na sila yata na pakakasal na sila soon,” sabi ni Katoto A.

“Posibleng iyon nga, kasi wala namang ibang dahilan para maghiwalay sila, parehong okay ang career at ang tatanda na nila, ‘no?” sey naman ng isang editor. (REGGEE BONOAN)