Pinangasiwaan nina Chief Justice Ma. Lourdes Sereno at Associate Justice Francis Jardeleza ang panunumpa ng anim na bagong mahistrado sa Sandiganbayan na kinabibilangan nina Bulacan Judge Ma. Theresa Mendoza-Arcega, Palace undersecretaries Reynaldo Cruz at Michael Frederick Musngi, assistant solicitor general Karl Miranda, Cebu Judge Geraldine Faith Econg, at Atty. Zaldy Trepeses.

Ang anim ay pinili ni Pangulong Benigno Aquino III mula sa 37 nominado na isinumite ng Judicial and Bar Council (JBC) noong Oktubre.

Itinalaga ang karagdagang justices sa ilalim ng Republic Act No. 10660 na naglalayong patatagin at pabilisin ang paglalabas ng desisyon ng anti-graft court.

Sa ngayon, may pitong dibisyon na ang Sandiganbayan na may tig-tatlong miyembro. (Beth Camia)

Gerald Anderson, gusto na raw magkapamilya?