NASUGBU, Batangas - Patay ang isang dalawang taong gulang na lalaki makaraang tupukin ng apoy ang ilang bahay sa Nasugbu, Batangas.

Nasawi si Kyle Benedict Tenorio sa sunog sa Barangay 10, Nasugbu.

Ayon sa report ng Batangas Police Provincial Office (BPPO), dakong 2:00 ng hapon noong Lunes nang masunog ang mga bahay nina Christina Tenorio, Luciana Sajona, Prescila Riel at Mariket Naldo.

Tinatayang nasa P200,000 ang halaga ng natupok na ari-arian habang inaalam pa ang sanhi ng sunog. (Lyka Manalo)
Probinsya

Atimonan mayor, kinondena pamamaslang sa 10-anyos na batang babae