BALAYAN, Batangas - Anim na katao ang naaresto ng mga operatiba ng Batangas Police Provincial Office sa one-time big-time drug raid sa Balayan.

Dakong 5:00 ng umaga nitong Biyernes nang naaresto sina Rexon Hernandez, 34; Renato Hernandez, 36; Luisito Riva, 54; Edmond Alhambra, 30; Roldan Hernandez, 37; at Ricardo Riva, 36, sa Barangay Sampaga.

Nakumpiskahan sila ng may 30 plastic sachet ng hinihinalang shabu at drug paraphernalia. (Lyka Manalo)

Probinsya

Barangay chairman sa Ilocos Norte, pinagbabaril