LOBO, Batangas — Patay ang isang 55-anyos na lalaki habang sugatan isang opisyal ng gobyerno na tinamaan ng ligaw na bala sa pamamaril sa Lobo, Batangas.

Idineklarang dead on arrival sa Jesus of Nazareth Hospital sa Batangas City si Oscar Araja dahil sa tama ng bala sa ulo. Habang patuloy na ginagamot si Roseller Cay, 57, dahil sa sugat sa paa.

Ayon sa report ni PO2 Limwel Lualhati, dakong 5:00 ng hapon nitong Miyerkules, nakaupo sa labas ng bahay ng kanyang biyenan si Araja nang magsulputan ang mga suspek at siya ay binaril.

Natagpuan sa lugar ang mga basyo ng bala ng cal. 45 baril. (Lyka Manalo)

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito