ISABELA CITY, Basilan – Pitong miyembro ng Abu Sayyaf Group, kabilang ang kanilang pinuno, ang sumuko sa militar, gayundin ang kanilang mga armas, sa Basilan.

Kinilala ni Army Lt. Col Enerito D. Lebeco, commander ng 18th Infantry Battalion ang pitong miyembro ng Abu Sayyaf na sina Sulaiman Kasaran, alyas Abu Bujaid, kumander; Marwin Asan Kasaran, alyas Abu Hadjie; Derwin Asan Kasaran, alyas Abu at Dikki; Halid Asan Kasaran, alyas Abu Nasirin Awalin; Hadzmin Kuluman Kasaran, alyas Abu Ammin; Faisal Laudmin Kasaran, alyas Abu Issa, Balie, at Salman; at Najallon Kasaran, alyas Abu Sat at Mhanz.

Ang grupo ay nasa ilalim ng pamunuan ni Nurjasam Jamiri, ayon kay Lebeco.

Iprinisinta ng militar ang pitong miyembro ng Abu Sayyaf sa mga mamamahayag bago mag-tanghali kahapon, sa kanilang kampo sa Tabiawan, Isabela City.

‘Immortal love?’ Enrile at misis nagdiwang ng 67th wedding anniversary

Isinuko rin ng grupo ang mga armas na kinabibilangan ng tatlong M16 rifle, isang .30 caliber Garand Rifle, isang M-79 grenade launcher, at isang .45 caliber pistol. (Nonoy E. Lacson)