TARLAC CITY - Isang empleyada ng Golden Acres Poultry Farm sa Sitio Anibong, Barangay Armenia, Tarlac City ang sinawing-palad na mamatay matapos makuryente habang naglilinis ng sahig.

Ang biktima ay kinilala ni PO3 Gerald Dela Vega na si Judith Nicdao, 36, may asawa, at residente ng Navy Resettlement, Capas, Tarlac.

Dakong 11:00 ng umaga at nililinis si Nicdao ang plastic flooring ng poultry farm nang biglang nagkaroon ng short circuit ang hawak niyang power spray hose hanggang nangisay siya at hindi na umabot nang buhay sa ospital.

(Leandro Alborote)
Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito