WALA naman palang dapat ikabahala ang fans ni Willie Revillame dahil hindi tuluyang mawawala ang show niyang Wowowin kahit nagpaalam na siya last Sunday.

Pero kung napansin ng nanood ng show last Sunday, hindi “goodbye” ang sinabi ni Willie kundi “hanggang sa muling pagkikita.”

Babalik ang Wowowin  at magiging daily na bago raw ang birthday ni Willie sa January 27. Tiningnan namin sa kalendaryo, Wednesday ang birthday ni Willie, so kung bago ang birthday niya ang simula ng daily airing ng Wowowin, hindi kaya sa Jan. 25 na ang simula ng daily nang show niya?

Ang Dear Uge ni Eugene Domingo ang papalit sa time slot na iiwan ng Wowowin. Ibang-iba ang concept nito sa show ni Willie, hintayin natin kung magkiklik din ito sa televiewers. (NITZ MIRALLES)
Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter