IBAAN, Batangas - Naaresto ng awtoridad ang itinuturong suspek sa panghoholdap at pagpatay sa isang dalagang kahera sa Ibaan, Batangas.

Sa follow- up operations ng Ibaan Police, nahuli si Loreto Linatoc, Jr., 30 anyos.

Ayon sa report mula kay Insp. Ricaredo Dalisay, hepe ng pulisya, maghahatinggabi nitong Enero 15 at pauwi na si Novelyn Mendoza, 24, sa Barangay Tulay, Ibaan, nang harangin siya ng suspek.

Tinangay umano ni Linatoc ang P10,000 cash ng biktima at pinukpok ito sa ulo kaya namatay.

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog

Dakong 2:00 ng hapon kinabukasan nang madakip ang suspek sa Bgy. Banay-Banay sa Lipa City. (Lyka Manalo)