Enero 19, 1809 nang isinilang ang kilalang awtor na si Edgar Allan Poe sa Boston, Massachusetts. Tatlong taong gulang siya nang mailipat sa ninong niyang si John Allan ang pangangalaga sa kanya makaraan siyang maulila sa mga magulang.

Matapos siyang mapatalsik mula sa West Point dahil sa palpak na trabaho, inilathala ni Poe ang tatlo niyang obra, ngunit wala kahit isa man sa mga ito ang naging popular. Taong 1838 nang ilathala niya ang kanyang fictional work na “The Narrative of Arthur Gordon Pym of Nantucket”. Matapos masibak naman sa kanyang trabaho sa Southern Literary Messenger dahil sa madalas na paglalasing, naging patnugot siya ng Graham’s Magazine at ng Burton’s Gentleman’s Magazine.

Naglathala siya ng koleksiyon ng mga kuwento na tinawag niyang “Tales of the Grotesque and Arabesque” noong huling bahagi ng 1830s, at lumikha ng bagong genre ng detective fiction nang sulatin niya ang “The Murders in the Rue Morgue.”

Misteryoso ang kanyang pagkamatay sa Washington College Hospital noong Oktubre 7, 1849.

ALAMIN: Mga dapat malaman at gawin upang maging ligtas sa ‘tsunami’