BAGUIO CITY - Nadakip na ng pulisya ang suspek sa pagpatay sa isang single mom na natagpuang wala nang buhay sa loob ng isang hotel sa Marcos Highway sa siyudad na ito, nitong Enero 14.

Nabatid kay Senior Supt. George Daskeo, officer-in-charge ng Baguio City Police Office, na inihahanda na ang pagsasampa ng kasong homicide laban kay Romeo Palitayan Vibal, 44, driver, tubong Camarines Sur at nakatira sa Purok 3, Barangay Poliwes, Baguio City.

Nagtamo ng 27 saksak sa katawan si Mercy Dagyen Mapili, 25, ng Itogon, Benguet, at duguang nakabalot ng kumot nang datnan ng mga nagrespondeng pulis sa Room 32 ng Nova Lodge, mag-aalas kuwatro nitong Enero 14.

Batay sa imbestigasyon, dating magkasintahan ang suspek at ang biktima na nakitang nagtatalo sa loob ng isang taxi dakong 4:00 ng umaga noong Enero 13. (Rizaldy Comanda)

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog