CABIAO, Nueva Ecija - Isang dating miyembro ng Hukbong Mapagpalaya ng Bayan (HMB) ang pinagbabaril hanggang sa mapatay ng hindi nakilalang salarin sa loob ng sabungan sa Barangay San Jose sa bayang ito, noong Linggo ng madaling-araw.

Kinilala ng Cabiao Police ang biktimang si Randy Rivera y Bondoc, ng Purok 7, Bgy. Sinipit, na tinadtad ng tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Sa pagsisiyasat ni PO2 John Ignacio, dakong 12:10 ng umaga nang pumasok sa Cabiao Cockpit Arena si Rivera kasama ang kanyang live-in-partner para manood ng sabong, ngunit makalipas ang ilang minuto ay lumabas para maghanap ng makakain.

Naglalakad si Rivera nang biglang sumulpot ang hindi nakilalang suspek at malapitang pinagbabaril ang biktima.

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog

Nabatid na si Rivera ay dating miyembro ng HMB, na itiniwalag dahil sa pagkakasangkot sa mga ilegal na aktibidad. (Light A. Nolasco)