CAMP GENERAL SIMEON OLA, Legazpi City – Patay ang chairman ng Barangay Cabangcalan sa Placer, Masbate matapos itong pagbabarilin ng mga hindi nakilalang suspek, nitong Biyernes ng madaling araw.

Kinilala ni Senior Insp. Malu Calubaquib, tagapagsalita ng Police Regional Office (PRO)-5, ang biktimang si Jonathan Sullera y Eñere, 56, incumbent chairman ng Bgy. Cabangcalan.

Ayon kay Calubaquib, iginagarahe ni Sullera ang kanyang motorsiklo sa harap ng kanyang bahay matapos nilang manggaling na mag-asawa sa selebrasyon ng pista sa Sitio Francisco, nang makarinig ang kanyang maybahay ng dalawang putok ng baril.

Inaalam na ng pulisya kung may kinalaman sa eleksiyon ang insidente, ayon kay Calubaquib. (Niño N. Luces)

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog