BUTUAN CITY – Isang kandidato para konsehal ang binaril at napatay ng riding-in-tandem sa national highway ng Barangay San Isidro sa Placer, Surigao del Norte, iniulat ng pulisya kahapon.

Sa report mula sa Police Regional Office (PRO)-13 Public Information Office, kinilala ang biktimang si Danrevel T. Etac, 62, dating pulis-Placer, at kandidato para muling maupong Sangguniang Bayan member ng munisipalidad ng Taganaan, Surigao del Norte.

Sakay sa kanyang motorsiklo, pasado 8:00 ng umaga nitong Lunes, binabagtas ni Etac ang national highway mula sa Placer pauwi sa Taganaan ang sundan siya ng motorsiklo ng mga suspek at pagbabarilin gamit ang .45 caliber pistol.

Patuloy pa ang imbestigasyon para matukoy ang motibo sa insidente. (Mike U. Crismundo)
Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog