1Z9A7555 copy

TINANONG si Maricel Soriano sa presscon ng trilogy movie na Lumayo Ka Nga Sa Akin ng Viva Films kung anong pelikulang aksiyon na nagawa na niya ang agad niyang naaalala.

“Batang Quiapo!” mabilis na sagot ng Diamond Star.

Muli siyang tinanong kung anong mga karanasan ang naaalala niya sa naturang pelikula (pinagtambalan nila ni Fernando Poe, Jr. noong 1986.

Human-Interest

ALAMIN: Mga inisyatibo ng NCCA sa pagpapakilala ng kultura ng mga katutubo

“Hindi pa ba sapat na ‘pinaalaala mo ito na 30 years ago, di ba?” pabirong sagot ng aktres.

Oo nga naman, 30 years ago na pala ‘yun?

Ang sunod na tanong, classic horror movie naman na nagawa niya.

“Ang unang pumapasok sa isip ko na horror, Vampira,” masayang sagot ng aktres.

Ano naman ang paboritong eksena ni Marya sa Vampira?

“Gusto? Batu-bato sa langit ang tamaan huwag magalit, nambabato ako,” pabirong sagot ulit ng aktres.

Pagdating naman sa drama, anong pelikula ang naaalala ng aktres?

“Bakit ba mas marunong ka pa sa akin?” nakatawang sabi ni Maricel sa nagtanong. “Naalala ko ‘yung movie ko noon na, gusto ko ‘yung sa Mila.”

Hihirit sana ng isa pang tanong ang baguhang reporter pero sinabihan na ito ni Maricel ng, “Umupo ka na.”

Aliw na aliw sa kuwelang mga eksenang iyon ang entertainment press. Iyon pa naman ang unang presscon ng bagong taon, at napakasaya ng lahat. Ibang-iba talaga kapag aktibo si Maricel Soriano.

Samantala, kasama ni Marya sa episode na “Shake, Shaker, Shakest” sina Herbert Bautista, Shy Carlos, Andrew Muhlach, JM Ibañez at Ryan Eigenmann mula sa direksyon ni Andoy Ranay. (REGGEE BONOAN)