Magdedesisyon na ang Commission on Elections (Comelec) kung itutuloy o hindi ang planong mall voting sa bansa.

Ayon kay Comelec Chairman Andres Bautista, posibleng makapaglabas ang Comelec en banc ng desisyon sa isyu sa susunod na dalawang linggo.

Nakapagsumite na ang Comelec ng position paper kay Senator Aquilino Pimentel III, chairman ng Joint Congressional Oversight Committee on Automated Election System, na tutol sa ideya.

Sa pagtaya ni Bautista, aabot sa 700,000 botante, kasama na ang senior citizens at persons with disabilities (PWD), ang maaaring makinabang sa mall voting.

Pelikula

Pelikula nina Zanjoe, Daniel made-delay?

May 100 mall sa bansa ang nagpahayag ng kahandaang lumahok sa inisyatiba kabilang na ang Robinsons Malls, SM Malls, Megaworld, at Pacific Malls. (Mary Ann Santiago)