fajardo photo copy

Laro ngayon

Araneta Coliseum

7 p.m. Rain or Shine vs. San Miguel Beer

Classic movie ‘Ipaglaban Mo!’, ipinalabas ng CCP bilang kampanya vs VAWC

Beermen ‘di dapat umasa sa suwerte laban sa Painters.

Huwag maging kampante at dapat ay doblehin pa ang diskarte lalo na sa kanilang second stringer ang gustong mangyari ni San Miguel Beer (SMB) coach Leo Austria sa muli nilang pagtutuos ng Rain or Shine sa Game Two ng kanilang best-of-7 semifinals series para s 2016 PBA Philippine Cup ngayong gabi sa Araneta Coliseum.

Matapos ang naitalang 109-105 came-from-behind na panalo noong Game One, nais ni Austria na huwag iasa ang kanilang kapalaran sa suwerte.

“Sixty percent nung points galing sa mga starters. I told the players na if the starters are playing well, you have to sustain it,” pahayag ni Austria.

Ayon pa sa coach ng season opener defending champion, masuwerte sila dahil pumasok ang mga clutch 3 pointers ni Ronald Tubid at ang nagsilbing turning point na tres ni Chris Ross.

Maliban sa nasabing 3-pointer na bunga ng kanyang matiyagang pag-eensayo sa kanyang shooting, nagbigay din ng inspirasyon para sa Beermen si Ross bilang pagpupuno sa malamyang laro ni Alex Cabagnot na may iniindang impeksiyon sa kanyang hinalalaki sa paa.

Muli namang aasahan ni Austria ang pamumuno ng reigning back-to-back MVP at nangungunang Best Player of the Conference candidate na si Junemar Fajardo matapos magposte ng 36 na puntos at 18 rebound sa kanilang itinalang came-from-behind win noong Game One.

“Si Junemar. Given na ‘yung makita sa body language niya na he really wants to win. Alam ko marami pa siyang mailalabas,” ayon pa kay Austria.

Para naman sa kampo ng Rain or Shine, sisikapin nilang isantabi at kalimutan ang masaklap na pagkatalo at ituon ang mga sarili sa pagbangon sa susunod na laro upang hindi maiwan ng Beermen sa serye.

Lamang ng 20 puntos, naglaho ang kalamangan ng Elasto Painters na inaasahan ni Guiao na nakapagturo sa kanyang players ng magandang leksiyon.

“We just need to put this behind us,” ani Guiao kaugnay sa pagkatalo. “I’ts a very disappointing loss. Good thing it’s a long series. I hope we learn our lesson.”

Ayon pa sa Elasto Painters mentor, hindi niya hahayaang mapigil ng naturang kabiguan ang mga dapat nilang gawin at ang kanilang mga pinaghandaan.”We dont want this game to stop us from doing what we need to do.I guess we need to look at this positively, the game was ours to lose. We can’t blame anybody but ourselves.”

Umaasa si Guiao na nakatulong sa kababalik pa lamang nilang ace guard na si Paul Lee ang karagdagang exposure na ibinigay nya dito sa unang laro nito ngayong taon matapos magpahinga sanhi ng injury.

“He’s (Lee) not a hundred percent and I was looking to use him for ten to twelve minutes, but I decided to use him a little bit more and make him feel the pressure, make him feel the physicality of the game, and also just try to give him some confidence,”ayon kay Guiao.

“I took that gamble and, of course, it didn’t pay off, but I think it’s going to go a long way in helping him out and giving him the timing and confidence,” dagdag pa nito.