Hinimok ng EcoWaste Coalition, isang non-profit health at environmental watchdog group, ang gobyerno na magpatupad ng precautionary ban sa importasyon, pagbebenta, at paggamit ng self-balancing, two-wheel scooter na kilala bilang hoverboard hanggang sa maresolba ang lahat ng isyu sa kaligtasan ng produkto.

Noong Disyembre 29, inanunsyo ni Trade and Industry Undersecretary Victorio Dimagiba na bumuo ang Department of Health (DoH) at ang Department of Trade and Industry (DTI) ng panel para imbestigahan ang safety issue ng hoverboard.

Sa isang joint advisory, pinayuhan din ng DTI at DoH ang publiko laban sa pagbili ng hoverboard para sa mga batang wala pang 14 -anyos “in the light of reported health and safety issues/concerns (including fires and explosion) and as a precautionary measure.”

Tsika at Intriga

JC De Vera, na-offend sa 'biro' ni Alex Gonzaga

“Pending the initiation and completion of the probe and the adoption of strong safety standards, we find it logical for the government to enforce a precautionary ban on hoverboards,” sabi ni Thony Dizon, Coordinator ng Project Protect ng EcoWaste Coalition. (PNA)