BEIJING (AP) — Naispatan ng mga rescuer na gumamit ng mga infrared camera para maaninag ang kadiliman ng gumuhong minahan sa silangan ng China noong Miyerkules ang walong minero na nakulong sa loob ng limang araw matapos ang pagguho.
Isang manggagawa ang namatay sa trahedya sa Araw ng Pasko sa gypsum mine sa Shandong province. Siyam na iba pa ang nawawala.
Ang gypsum ay isang soft sulfate mineral na ginagamit sa construction.
Na-detect ng mga infrared camera ang mga buhay na minero na kumakaway noong Miyerkules, at nagbabalangkas na ng mga plano kung paano sila mahila sa kaligtasan, sinabi ng state broadcaster na China Central Television