MATAAS NA KAHOY, Batangas - Dead on arrival sa pagamutan ang isang retiradong miyembro ng Philippine Air Force (PAF) matapos umano siyang pagbabarilin ng hindi nakilalang suspek sa Mataas na Kahoy sa Batangas.

Kinilala ang biktimang si Ricardo Ilagan, 62, taga Barangay Santol, sa naturang bayan.

Ayon sa report ni PO2 Samuel Diesta, dakong 6:45 ng gabi nitong Disyembre 27, nakaupo sa terasa ng kanyang bahay si Ilagan nang pagbabarilin siya.

Tumakas ang suspek sakay ng motorsiklo, at narekober ng pulisya ang mga basyo ng bala ng .45 caliber pistol sa lugar ng krimen. (Lyka Manalo)

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog