Apat na katao ang nasawi habang tatlong iba pa ang nasugatan matapos na mabangga ng isang humaharurot na sasakyan ang dalawang tricycle sa highway ng Balangiga sa Eastern Samar, sinabi ng pulisya kahapon.

Sinabi ni Senior Insp. Mark Nalda, tagapagsalita ng Eastern Visayas regional police, na nasawi ang driver ng isa sa mga tricycle gayundin ang tatlo niyang pasahero, dahil sa malakas na impact ng banggaan.

Ayon kay Nalda, tinatahak ng Toyota Avanza ang national highway sa Barangay San Miguel, dakong 1:30 ng hapon nitong Sabado, nang mawalan ng kontrol sa manibela si Jelson Quebec, 31 anyos.

Inokupa ng Avanza ang kabilang lane at sinalpok ang dalawang tricycle, ayon kay Nalda.

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog

Kinilala ng pulisya ang nasawing driver na si Renato Brieva, na namatay habang ginagamot sa Alvino Duran Hospital kasama ang tatlo sa lima niyang pasahero. (Aaron Recuenco)