KAPANALIG, ang Pasko ba ay tunay na para sa mga bata lamang?

Marami sa atin ay abala tuwing Pasko. Mas doble kayod ang marami para may sapat na handa sa hapag sa pagsapit ng Noche Buena. Marami rin ang naghahanda ng mga regalo, lalung-lalo na para sa mga bata. Sa gitna ng kaabalahan na ito, nalilimutan ba natin ang mga elderly sa ating paligid, lalo na ang mga hirap na sa paggalaw dahil sa edad at sakit?Ayon sa Philippine Statistics Authority, ang mga senior citizen ay nasa 6.8% ng ating populasyon. Katumbas ito ng 6.3 milyong katao, kapanalig.

Ang bilang na ito ay inaasahang tataas pa sa darating na mga taon. Pagdating ng 2025, tinatayang mas mahigit pa sa 10% ng ating populasyon ay seniors.

Ang Pasko ay isang mainam na panahon upang maipakita natin sa mga elderly na hindi man sila aktibong kasama sa workforce ng bansa, sila ay nananatiling mahalaga para sa atin. Mas mahalaga ito sa ngayon dahil kahit tradisyon na natin ang pagpapahalaga sa mga elderly, nanganganib ito na hindi magtuluy-tuloy dahil sa nagbabagong buhay ng maraming Pilipino.

Night Owl

Pagpapanatili ng mga Boses: Paano Pinoprotektahan ng NightOwlGPT ang mga Nanganganib na Wika

Isa nga sa mga isyu ng elderly sa bansa ay mobility. Ang isyu na ito ay mahalaga dahil ang kahirapan sa access sa transportasyon ay maaaring maging balakid sa pagsulong ng kapakanan ng mga elderly. Alam naman nating lahat na pagdating sa lansangan, lalo na sa urban areas, ang malalakas at mabibilis lamang ang nagkakaroon ng puwesto sa mga pampublikong sasakyan. Kahit pa nga may elderly zones, halimbawa, sa mga tren natin, hirap makaakyat ang mga elderly sa taas, haba at makipot na mga hagdan.

Ang self-fulfillment din ng mga elderly ay isa sa mga bagay na ating nakakaligtaan. Maraming retirees ang tuluyang nanghihina dahil wala na silang makitang puwesto sa mundo. Hindi man sila makapagtrabaho, kailangan din nila ng mga oportunidad upang makagawa ng mga bagay na makabuluhan para sa kanila. Ngayong Pasko ay mainam na panahon upang mapagnilayan natin ang mga nararapat na gawin upang mas tumaas ang kalidad ng buhay ng mga elderly, lalo na ang mga maralita, sa ating bansa. Hindi lamang ito kawanggawa, ito ay pagbibigay-pugay at pasasalamat sa kanilang sakripisyo para sa kanilang pamilya, bayan at lipunan noong sila ay malakas pa.

Si Pope Francis ay may mahalagang paalala ukol sa mga elderly at sa ating pagtrato sa kanila: “The elderly are men and women, fathers and mothers who walked before us on our own streets, in our own home, in our daily struggle for a decent life. They are men and women from whom we have received a lot… Abandoning them is a mortal sin… If we do not treat the elderly well, we will not be treated well either.”

Maligayang Pasko sa inyong lahat. Sumainyo ang katotohanan. (Fr. Anton Pascual)