Disyembre 27, 1978 nang niratipikahan ni King Juan Carlos ang kasalukuyang demokratikong konstitusyon ng Spain, mahigit tatlong taon na ang nakalipas makaraang magwakas ang halos 40-taong diktadurya ni General Francisco Franco.
Dahil dito, inalisan ng kapangyarihan ang monarkiya ng bansa.
Nakasaad sa konstitusyon ang mga pangunahing karapatan ng mga mamamayan ng bansa, ang mga prinsipyong pambansa, ang pagpapawalang-bisa sa death penalty, at maraming iba pa. Kinikilala rin nito ang karapatan sa pagtatatag ng mga partidong pulitikal at unyon ng mga manggagawa, at sa pagkakaroon ng dignidad bilang tao.
Noong 1969, tinukoy ni Franco si Juan Carlos bilang hahalili sa kanya. Noong 1975, nagbitiw sa tungkulin si Franco, dahil masyado nang mahina ang kanyang katawan para pamunuan ang bansa, kaya pinalitan siya ni Juan Carlos bilang pinuno ng Spain. Makalipas ang tatlong linggo, inatake sa puso at namatay si Franco.
Matapos maluklok bilang hari, agad na pinamunuan ni Juan Carlos ang Spain at namayagpag ang demokrasya nang sumunod na dekada.