TARLAC CITY — Malaki ang teorya ng mga awtoridad na “crime of passion” ang nasa likod ng marahas na pagpaslang sa isang babae na tubong Mindanao na natagpuan sa irigasyon sa Barangay San Jose, Tarlac City.

Kinilala lamang ang biktima sa tawag na “Gie,” nasa hustong gulang, na nilublob ang ulo sa tubig, hinubaran at tanging sando ang itinira sa kanyang katawan.

Suspek sa krimen ang isa sa mga karelasyon ng biktima.

Napag-alaman na bukod sa may kinakasama ang biktima ay may karelasyon pa diumano itong ibang lalaki.

Probinsya

OFW na hinoldap, inundayan ng saksak sa terminal sa Maynila, nakauwi na ba sa pamilya?

(Leandro Alborote)