Sinibak ang jail warden ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) sa Jordan, Guimaras at dalawang jail guard matapos matakasan ng dalawang bilanggo.

Si Jail Chief Insp. John Montero ay pansamantalang inilipat sa BJMP regional office habang sina SJO1 Sefronio Casiple at JO3 Louie Galan ay itinalaga sa Iloilo District Jail sa Pototan, Iloilo.

Nakapuga sina Eric Delos Santos at Joel Beting, kapwa nahaharap sa kasong illegal drugs, sa oras ng pagtanggap ng mga bisita sa kulungan.

Bukod sa pagkakasibak, nahaharap din ang tatlong opisyal sa kasong administratibo dahil sa kapabayaan. (Beth Camia)

Relasyon at Hiwalayan

Pagpapakasal dahil lang sa anak, 'di bet ni Janella Salvador