TACURONG CITY, Sultan Kudarat – Agad na ikinulong at sinampahan ng kaukulang kaso ang isang lalaki matapos niyang ipagyabang sa kanyang mga kapitbahay ang iniingatan niyang baril sa Barangay San Pablo sa siyudad na ito, nitong Sabado.

Nakumpiskahan ng .9mm Daewoo na kargado ng pitong bala si Norodin Kamed, nasa hustong gulang, may asawa, ng Bgy. San Pablo, Tacurong City, Sultan Kudarat.

Batay sa pagsisiyasat, nabahala ang isa sa mga kapitbahay ni Kamed sa pagyayabang ng huli sa bitbit na baril kaya agad na itinimbre sa pulisya ang suspek.

Naabutan pa ni PO3 Rodelon Lamintao si Kamed sa labas ng bahay na bitbit ang baril. (Leo P. Diaz)

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog