Isang mangingisda, na pinaniniwalaang nalunod habang nanghuhuli ng isda, ang natagpuang patay at palutang-lutang sa Manila Bay, na sakop ng Baseco Compound, Tondo, Manila nitong Biyernes ng gabi.

Ang biktimang si Armando Penera, 28, residente ng Block 18, Lot 32, New Site, Baseco Compound, Port Area ay kinilala ng kanyang kapatid na si Analinda Penera, 27 anyos.

Sa imbestigasyon ni SPO2 Richard Escarlan, ng Manila Police District-Homicide Section, dakong 11:00 ng gabi nang lumutang ang biktima sa seawall malapit sa Block 5.

Ayon kay Analinda, huli niyang nakitang buhay ang kapatid ganap na 11:00 ng umaga noong Disyembre 5 nang magpaalam ito para mangisda.

National

32 katao naitalang naputukan; FWRI cases sa bansa, pumalo na sa 101!

Gayunman, mula noon ay hindi na nakauwi ang biktima hanggang sa matagpuan itong patay.

Namamaga at nagsisimula nang maagnas ang katawan ng biktima nang madiskubre. (Mary Ann Santiago)