tumblr_inline_nz0lkgGHad1tcrq20_1280 copy

KINAGAT ang The Walking Dead star na si Norman Reedus isang babaeng tagahanga sa Walker Stalker Con sa Secaucus, New Jersey, nitong nakaraang linggo.

Ayon sa ulat, ang nag-aabang ang tagahanga na makapagpakuha ng litrato kay Reedus (gumaganap bilang Daryl Dixon) at sa kanyang co-star na si Michael Rooker. Nang makita na ang mga aktor, normal pa ang babaeng tagahaga. Sinabi niya kay Reedus ang tungkol sa kanyang pagpapanggap na siya ay kasal sa aktor, ngunit nang kukunan na sila ng litrato ay tumalikod siya at kinagat ang actor sa dibdib.

Napasigaw umano si Rooker ng, “What the f**k was that?!” At nakita ng security ang nangyari at pinaalis ang babae sa convention, habang sinasabing, “Um, ma’am, you just bit Norman Reedus.”

Human-Interest

Asong malungkot din sa pagkamatay ng fur dad, dumurog sa puso ng netizens

Tumangging magsampa ng kaso si Reedus laban sa babae dahil hindi naman siya nasugatan.

Samantala ibinahagi naman ng babaeng tagahanga sa Instagram ang litrato at humingi na rin ito ng paumanhin sa kanyang crush na si Reedus.

“Finally meet the love of my life, and get banned from the rest of the CON and lose two more $100 photo ops with him because I lost my mind…got so excited standing beside him… & just turned my head and bit him! I don’t know what came over me. It wasn’t my intention to hurt him. I’m sorry Norman!”

Tila pinatawad naman na ng aktor ang kanyang tagahanga ngunit hindi niya ito makakalimutan.

Si Reedus, kilala bilang masayahin at palakaibigan sa kanyang mga tagahanga, ay nagbahagi ng kanyang litrato sa Instagram suot ang shirt na nagsasabing “DO NOT BITE ME.” At nilagyan niya ito ng caption na, “Um please don’t [flamingo girl emoji].” (Yahoo News/Celebrity)