Mariah Carey copy copy

NEW YORK (AP) — Kasalukuyang nagpapagaling at nagpapalakas ang pop star na si Mariah Carey matapos maospital dahil sa matinding flu.

Isinugod sa ospital ang singer nitong Miyerkules ng umaga, ayon sa isang ulat ng People.com.

Naglabas ng pahayag ang tagapagsalita ni Carey nitong Huwebes na ilang araw nang masama ang pakiramdam ng singer dahil sa klima at ngayon ay bumubuti na ang kalagayan.

Human-Interest

Netizen, ayaw na magbigay ng regalo sa pamilya niyang hindi marunong mag-appreciate

Sa pahayag, si Carey, na gumagawa ng Christmas shows sa Beacon Theatre sa New York, ay nakatakdang magtanghal ayon sa kanyang mga schedule. Ang kanyang susunod na show ay sa Martes.