KALIBO, Aklan - Isang 35-anyos na ina, kasama ang dalawang menor de edad niyang anak, ang namatay matapos malunod sa ilog sa Barangay Unidos, Nabas, kamakailan.

Kinilala ng awtoridad ang mga nasawi na si Joyce Baliguat, at anak niyang sina Prince, 4; at Jodicious, isang taong gulang.

Ayon sa Nabas Police, patawid ng ilog ang mag-iina ngunit hindi ng mga ito nakayanan ang malakas na agos ng hanggang sa malunod ang mga ito.

Galing ang mag-iina sa rural health center ng Nabas para magpa-check up at pauwi na nang mangyari ang insidente.

Probinsya

OFW na hinoldap, inundayan ng saksak sa terminal sa Maynila, nakauwi na ba sa pamilya?

(Jun N. Aguirre)