Mga laro ngayon

Araneta Coliseum

4:15 p.m. Alaska vs. NLEX

7 p.m. Rain or Shine vs. Barako Bull

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Tatargetin ng Alaska kontra NLEX.

Tumatag sa kasalukuyan nilang kinalalagyan sa ibabaw ng team standings ang kapwa tatangkain ng Alaska at Rain or Shine sa dalawang magkahiwalay na laro ngayon sa pagpapatuloy ng 2016 PBA Philippine Cup sa Araneta Coliseum.

Sa ngayon, magkasunod ang Aces at Elasto Painters sa No. 1 at 2 spot taglay ang barahang 5-1, panalo-talo, para sa una kasalo ng defending champion San Miguel Beer at 4-1 naman para sa huli.

Nakatakdang makatunggali ng Alasaka ang NLEX dakong 4:15 ng hapon matapos nilang makabalikwas at manalo kontra Globalport at pinakahuli kontra Star Hotshots noong Miyerkules matapos malasap ang unang kabiguan sa kamay ng Barangay Ginebra sa larong idinaos sa Dubai.

Makakaharap naman ng Elasto Painters ang Barako Bull sa tampok na laban ganap na ika-7 ng gabi.

Gaya ng dati, sasandigan ni coach Alex Compton para sa hangad na muling makapagsolo sa pangingibabaw ang mga beteranong si JV Casio na siyang namuno sa nakaraang panalo nila kontra Hotshots kasama sina Vic Manuel, Calvin Abueva, Sonny Thoss at Cyrus Baguio.

Para naman sa kanilang katunggaling Road Warriors, mainit din ang koponan ni coach Boyet Fernandez na gaya ng Aces ay galing sa dalawang sunod na panalo, pinakahuli kontra Meralco Bolts noong Miyerkules matapos ang huling talon na nalasap sa kamay ng Mahindra noong Nobyembre 13.

Inaasahan ni Fernandez na magpapakita ng consistency ang kanyang mga player sa mga susunod nilang laro sa eliminations para sa mas malakas na tsansang makausad sa playoffs.“I told the boys we have to be consistent.

Hopefully we’ll address our consistency and hopefully our offense will just come in.”

Sa tampok na laban, tatangkain naman ng Elasto Painters na muling makapagsimula ng willing run matapos putulin ng Globalport ang kanilang nasimulang 3-game winning streak sa simula ng conference.

Sisikapin ng tropa ni coach Yeng Guiao na madugtungan ang huling panalong naiposte kontra Blackwater noong Sabado sa iskor na 103-81 sa labang idinaos sa Cuneta Astrodome kung saan nagtala ng career-best ang sophomore na si Jericho Cruz na natapos na may 23-puntos.

“We’re just excited to be playing again after that heartbreaker against Global,” ani Guiao. “We’re not about to take any team for granted.”

Sa panig naman ng Energy Cola, magtatangka itong makamit ang ikaapat na panalo upang makatabla sa Barangay Ginebra sa ikaapat na puwesto at makakalas sa kasalukuyang pagkakabubhol nila ng Globalport sa panglimang puwesto taglay ang patas na barahang 3-3, panalo-talo.

Sisikaping bumangon ng Energy Cola mula sa 105-106 na kabiguang natamo sa kamay ng defending champion San Miguel Beermen noong Linggo sa Ynares Center sa Antipolo City. (MARIVIC AWITAN)