“WELCOME home!” ang sinabi ni Boy Abunda kay Gelli de Belen pagkatapos ng interbyuhan nila sa Tonight With Boy Abunda nitong nakaraang Lunes.

Tinanong ni Kuya Boy si Gelli kung babalik na ang aktres sa ABS-CBN, “Tingnan na lang natin, basta by 2016, may malaking changes,” sagot ng esposa ni Ariel Rivera.

Hindi pa siguro makasagot nang diretso ni Gelli kung lilipat na siya sa Kapamilya Network dahil umeere pa ang game show na Happy Truck ng Bayan sa TV5 na kinabibilangan niya.

Hanggang first quarter ng 2016 daw eere ang HTNB kaya siguro hindi pa rin binanggit ni Gelli kung anong buwan siya papasok sa ABS-CBN.

Elijah Canlas, emosyonal na inalala yumaong kapatid sa concert ni Olivia Rodrigo

Tinanong din ni Kuya Boy si Gelli kung sino sa mga aktor ng Dos ang gusto niyang makatrabaho. Si Piolo Pascual ang tinukoy ni Gelli dahil hindi pa niya ito nakakasama maging noong Kapamilya pa siya. Naging bahagi ng ‘Sanlingo nAPO Sila (1995-1998) si Gelli.

Para sa mga hindi nakakaalam, sa Tropang Trumpo (1994-1998) ng ABC-5 (TV5 na ngayon) nagsimula si Gelli hanggang sa nalipat sa GMA-7, at naging isa sa hosts ng Sis I (2001-2010) kasama sina Janice de Belen at Carmina Villaroel.

Kung sakaling pagsamahin ulit ang Sis hosts sa ABS-CBN, ang gusto ni Gelli ay musical show na ikinatawa ng studio audience.

Anyway, bukod sa Tonight With Boy Abunda ay mapapanood si Gelli sa Deal or No Deal ni Luis Manzano. (Reggee Bonoan)