Nobyembre 23, 1889 nang ang unang jukebox sa mundo, na binuo ng Pacific Phonograph Company, ay isinapubliko ng negosyanteng si Louis Glass sa Palais Royale Saloon sa San Francisco, California. Unang tinawag ni Glass ang makina na “nickel-in-the-slot player.”

Mabilis na naging tanyag ang jukebox sa buong mundo. Apat na mukhang stethoscope na mga tubo, na indibiduwal ang gana, ang ikinabit sa isang Edison Class M electric phonograph na nasa loob ng isang kahoy na cabinet. Pinagagana ng bawat baryang inihuhulog sa makina ang bawat isa sa mga tubo. Sa pamamagitan nito, maaaring sabay-sabay na mapakinggan ng apat na tao ang iisang awitin.

Matapos makinig, pupunasan ng nakinig ang dulo ng mga tubo. Nilaos ng jukebox ang player piano, na noon ay mas pinipiling paraan sa pagpapatugtog ng mga sikat na awitin.

Ang kontemporaryong jukebox ay isang phonograph o isang compact disc player na pinagagana sa paghuhulog ng isang barya, para awtomatikong tumugtog ang awiting nasa listahan.

ALAMIN: Mga dapat malaman at gawin upang maging ligtas sa ‘tsunami’