Punong-abala ang Baguio Country Club (BCC) at Camp John Hay (CJH) sa pagsasagawa ng mga golf course sa halos 1,200 mga manlalaro para sa ika-66th Fil-Am Golf Invitational Tournament kahapon.

Muling bumalik ang kasiyahan sa Pugo upang depensahan ang senior’s Fil Championship na titulo ni Eugene Martin.

Ayon kay Martin, magko-concentrate siya sa pangangasiwa ng kanyang resort sa Pugo, La Union na may 30-kilometro mula sa lungsod kung saan ang kanyang koponan ay pipiliting pigilin ang sinumang challenger para sa 55-anyos at pataas sa torneo ng golf.

Volleyball fans may bagong aabangan sa PVL!

“I’m really quite busy here,” ayon ito sa dating two-star general a na inaasahang magpapamalas ng kantang galing na kanyang huhugutan sina Fred Puckett, Goodie Ignacio, physician na si Ed Montenegro at ang mga baguhan na sina Rommel Gomez at si Douglas, nakababatang kapatid ni Puckett.

“I lost only twice in the Fil-Championship of the seniors side,” ayon ito sa 67-anyos na si Puckett.

Ang Fil-Championship fight ay gaganapin sa BCC course sa Nobyembre 22 at 23, ang second at third day ng tournament, at ito ay muling babalik sa CJH course sa Nobyembre 25 at 26. (PNA)