TALAVERA, Nueva Ecija – Ikinasa ng Talavera Police ang follow-up at manhunt operations laban sa bumaril at nakapatay sa isang 56-anyos na asawa ng barangay chairman ng Bagong Sicat sa bayang ito, kamakailan.

Sa ulat ni Supt. Roginald Tizado-Francisco, bagong hepe ng Talavera Police, kay Senior Supt. Manuel Estareja Cornel, Nueva Ecija Police Provincial Office director, nakilala ang biktimang si Marilyn Cachuela-Binuya, negosyante at asawa ni Bgy. Bagong Sicat Chairman Maximo Binuya.

Sa pagsisiyasat ng pulisya, dakong 6:10 ng umaga, bumibili ng ulam ang biktima sa rolling store nang biglang sumulpot ang mga suspek at malapitang pinagbabaril ang ginang sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Hindi pa matukoy ng pulisya ang motibo sa krimen. (Light A. Nolasco)
Probinsya

OFW na hinoldap, inundayan ng saksak sa terminal sa Maynila, nakauwi na ba sa pamilya?