BUKAS na ang showing ng Wang Fam directed by Wenn Deramas starring Pokwang, Benjie Paras at marami pang iba.

Babanggain ng Viva Films movie ang Hollywood box-office franchise na Hunger Games: Mockingjay na bukas din uumpisahang ipalabas.

After a week ng pagpapalabas ng Wang Fam, ang movie naman nina John Lloyd Cruz at Bea Alonzo na A Second Chance ang babanggain o makiki-share sa kanilang audience o kikitain.

Pero very condifent ang box-office director na si Wenn Deramas na ma-a-achieve nila ni Boss Vic del Rosario ang tagumpay na kanilang inaasahan sa comedy-horror film nila.

Tsika at Intriga

Doc Willie tapos na sa 1st round ng chemo: 'Pasensya na wala na 'kong buhok...'

“With Wang Fam, naging very brave si Boss Vic na walang takot ibangga sa Hunger Games, pati sa A Second Chance, at ako din naging confident na papanoorin ka hindi dahil sa artista lang, hindi dahil sa kung sino ‘yung nagdirek kung hindi dahil very entertaining ‘yung pelikula,” pahayag ni Direk Wenn. (Ador Saluta)