BATANGAS CITY - Hindi nakalusot sa jail guard ang hinihinalang sachet ng shabu na nadiskubreng nakaipit sa isang balot ng biskwit na bitbit ng isang ginang na dadalaw sa isang preso sa Batangas City Jail.

Inaresto ng awtoridad si Shayne Marie Camus, 29, taga-Barangay Sta. Clara sa lungsod.

Ayon sa report ni PO2 Bernard Manalo, dakong 2:00 ng hapon nang mahuli ang suspek matapos inspeksiyunin ni JO1 Marc Sulabo ang bitbit ni Camus.

Nahaharap sa kasong paglabag sa Section 11, Article II ng RA 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act) ang suspek. (Lyka Manalo)

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog